Showing posts with label Ewan. Show all posts
Showing posts with label Ewan. Show all posts

November 9, 2012

Kikomachine Komix #6: Venn Man.


Intro: Ayun. Out of nowhere bigla na lang nag-uwi si Ate ng Kikomachine Komix sa bahay. Nabasa din nya kasi yung mga hiniram kong Kikomachine Komix #1 at #8, kaya bumili na din siya galing sa gala nya, haha.

Sixth installment ng Kikomachine Komix Series by Manix Abrera. Published last 2010, composing of strips from 2006-2007 (first appeared on Philippine Daily Inquirer).

Basta grabe lang siya basahin. Makaka-relate ka panigurado, dahil sumasagi din sa isip mo yung mga nakapaloob sa comic book. Lahat na lang ng ka-wirduhan at ka-surreal-an nandito na yata e. Basta pati yung mga non-existential something na nasa isip mo e pinipilit i-exist yung possibility niya dito (wooh!). Grabe, ang hirap talaga i-personify at i-describe yung kaastigan nito. Must have talaga sa halagang P150 lang. RakEnRol! Asteeg!

Click image to enlarge.






September 19, 2012

Post-Happy Birthday Speech.

Reminder: This piece was written last September 11, 2012.


Hindi ko pala naikwento sa journal ko last year kung paano ko nai-celebrate yung birthday ko. Super busy din kasi ako nun sa trabaho ko kaya hindi ko masyadong na-update posts ko nung buwang yun. Basta ba araw-araw kasi akong pagod, bloated at stressed nun. Buti na nga lang e wala na ako dun.

Pano ko nga ba na-celebrate yun? Wala nga pala akong trabaho nun kasi pina-day off pala nila ako sa work, regalo daw nila sa 'kin. Dumaan nga lang pala ako dun kinahapunan para magpa-blowout ng pancit at coke. Tapos gumala din ako nun sa Robinson's tsaka nagpa-print ng t-shirt (regalo sa sarili). Tapos nagkita kami ng mga close friends ko at kumain kami sa Divimall. Tapos gabi na umuwi. Pagdating sa bahay, spaghetti ba yung handa nun o pancit? Halo-halo na mga events sa utak ko, last year pa nga kasi nangyari e. Hindi ko na maarok kung alin nga ba ang tama. Memory gap, hehe.


Siyempre, sino ba naman sa atin ang hindi nag-expect ng kahit ano habang papalapit ang birthday niya? Kahit pa sabihin natin verbally na "HINDI AKO MAG-EEXPECT," nandoon pa rin sa kadulu-duluhan ng isip natin yung pag-expect at paghiling ng mga gustong mangyari sa pagsapit ng birthday niya. Automatic na yun e, programmed na sa utak natin once na lumalapit ang kaarawan natin. Parang ngayon lang, eksaktong isang linggo na lang birthday ko na. Nung elementary at highschool, halos walang nakakaalam kung kelan ako magbe-birthday. Nalalaman na lang nila (nagugulat pa nga minsan) kapag ina-announce na lang yun ng adviser namin dahil nasa record nya birthdays ng buong klase. Tsaka hindi rin ako ganun kakumportable kapag may bumabati sa 'kin ng "HAPPY BIRTHDAY!" dahil perception ko lagi noon e nakikipagplastikan lang sila. Awkward, parang pilit lang at hindi sincere. Mas hardcore pa nga dati: once na malaman ng klase na birthday mo, sabay-sabay ka nilang kakantahan bigla ng "HAPPY BIRTHDAY" sa gitna ng klase (minsan may "MALIGAYANG BATI" pa nga e, para maubos yung oras. hehe). At dahil alam na nga nila, humanda-handa ka na sa uwian dahil babasagan ka nila ng itlog! (minsan may harina pang kasama!) Grabe High School Grabe! Nabasagan nga ako ng itlog nung 4th year e. Sarap. Buti na lang may mahuhugasan at hindi dumamay sa damit ko.

Minsan-minsan naiisip mo rin: Ano kayang mangyayari sa birthday ko? May babati kaya sa text? May makakaalala kaya? May magreregalo kaya? Panigurado namang may babati sa Facebook dahil mano-notify naman lahat ng friends mo kapag birthday mo, so hindi mo rin sure kung nakaalala ba talaga o 'napaalalahanan' lang. Tsaka para sa 'kin hindi masyadong 'touchy' ang bati kapag sa FB lang, yung tipong "hbd" lang yung pinost sa wall mo (wala man lang kahit period! parang napadaan lang talaga). Wasak na wasak lang. Ni sa talambuhay ko nga, wala pang nag-'bonggang surprise' sa birthday ko. Yung para bang: surprise sayo ng mga friends, biglang sumulat/nagregalo sayo si Lavander-siamese, yung mga hindi-magarbo-pero-nilagyan-ng-effort na mga regalo, etc. Alam mo yun? Yung hindi mo naman talaga ie-expect pero mas matutuwa ka sana kung mangyayari ytng mga yun? Ganun baga...

Tsaka wrong timing nga rin pala kasi. Isang buwan ko nang nilalakad yung pag-aapply ng trabaho, stucked-up pa rin ako sa medical. Dami pa kasing kailangang ayusin sa akin para ma-fit to work na. Medyo recession din sa bahay, so wala rin (at hindi rin naman) akong dapat asahan. Wala din tuloy akong pang-blowout kahit pansarili na lang. Tutal sanay na rin naman akong wala lagi, edi keribells na lang.

* * * * * * * * * *



Pero kung may magtatanong sa 'kin kung ano bang gusto kong mangyari sa birthday ko, gusto ko sanang maramdaman yung kahalagahan ko sa mga kaibigan ko. Kumbaga maramdaman ko rin na mahalaga ako sa tropa, gaya ng pagpapahalagang pinapakita ko sa kanila (drama).

O kung hindi man, kahit batiin na lang ako ni Lavander-siamese sa hindi malilimutang paraan. Regaluhan niya ako, sulatan niya ako. Kahit ano, magca-cartwheel na ang puso ko nang bonggang-bongga galing sa kanya.

Pero higit anupaman sa mga sinulat ko dito, ipapaubaya ko na lang kay Lord yung mga mangyayari sa kaarawan ko. Kung pagbigyan man Nya o hindi ang mga hiling ko, ayos lang sa 'kin. Dahil higit Niyang alam kung ano ang mas makabubuti sa 'kin, at maluwag sa loob kong tatanggapin yun. Kahit kelan naman hindi Niya ako pinabayaan e. Basta huwag lang Niya kami -- ng pamilya at kaibigan ko -- ilapit sa kapahamakan, solve na lahat. =)

Basta hindi na lang talaga ako masyadong mag-eexpect ng kahit ano. Hihihi.



July 25, 2012

Bugso ng Damdamin #3: Pera Pera, Burnout.

Sandwich - Pera Pera from Marie Jamora on Vimeo.


Ayun. Nakakalumbay na naman ang mga nakaraang araw. Ewan ba. Lagi na lang ganito. Actually mala-routine na nga araw araw e. Lagi lang sa bahay: gising ng tanghali, tulog sa hapon (optional), kain, tunganga, tapos puyat sa madaling araw. Mag-iisang buwan na ngang ganito e. Gusto ko na talagang mag-apply ng trabaho, kesa namang tambay lang ako lagi sa bahay. Para akong nakakulong. Kapag walang pera, hindi rin makakalabas ng bahay. Mag-aapat na buwan na nang ganito e.

Alam mo yun? Makakagawa naman ako ng makabuluhang mga bagay basta meron lang pera e. Yeah. PERA. Andami kong mga naiisip na gawin, pera lang ang kulang. Gusto kong magkaroon ng bike, kumain nang maraming marami para tumaba na ako, etcetera etcetera. Sa totoo nga lang e may naipon nga ako nung nagtrabaho ako dati bilang salesboy (o bantay ng pwesto, basta ganun). Halos isang taon ko ring napag-ipunan yun, pang-college ko. Kaso hawak hawak ni Mama yung inipon ko, para hindi ko daw magastos. Sabagay din naman. Kaya ayun. Wala na akong pera. Wag na nga lang pag-usapan...





Eto automatic na. Kapag dumating na yung point na malungkot na, susunod na nyan yung pag-iisip ko sa kanya. Yep. Si Lavander-siamese. Mga 3 years na rin siyang nakatambay sa isip ko. Ewan ko ba, matagal na kasi kaming di nagkikita nang personal (although in-connection pa din naman kami on line at text minsan). Kahit may connection, lagi pa ring kulang yung pakiramdam ko kalaunan. Basta lagi kasing automatic yun, kapag dumadaring yung time na bloated at burnout na ako sa magdamag, naiisip ko na siya. Si Lavander-siamese na walang pakialam sa 'kin. Ni hindi ko nga alam kung ganito rin yung pakiramdam niya sa 'kin e. Halos magmistulang stalker na nga ako sa kakahanap ng mga updates sa kanya online, pero hanggang dun lang siyempre. Alam mo yun? May mga bagay lang kasi talaga sa buhay na kailangan may inspirasyon ka. Sabagay kasi busy yun ngayon maging reporter. Basta ba, malungkot lang talaga ako sa set-up namin ngayon. Iisipin ko na lang na pagsubok 'to na ginagawa sa 'min ni Lord. Kailangan ko lang maging matatag at magtiwala sa mga plano Niya sa amin. Sana kayanin ko talaga, at kayanin din niya... Ewan, wag na nga lang pag-usapan...

Hirap mag-blog kapag isang oras lang. Badtrip lang. :|
Kakapit lang. Mahigpit.

July 19, 2012

Bugso ng Damdamin #2: Araw. Oras. Panahon. Tumatakbo.



Ayun. Tila nakakalumbay lang ang mga nakaraang araw. Ewan ba. Parang ang bilis bilis lang ng panahon ngayon. Parang kahapon lang e tuwang tuwa pa akong nanonood ng Bubble Gang. Tapos mamalayan ko na lang Thursday na pala at Friday na ulit kinabukasan. Ganito yata ang hirap kapag naka-routine lahat ng gagawin mo lagi -- na sa sobrang pagkakapareho at paulit-ulit ng mga ginagawa mo sa araw-araw, nagra-rumble na sa isip mo yung pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Yung something na ginawa mo weeks ago bigla na lang sisingit sa mga ginawa mo kahapon lang and vice versa. Tapos maguguluhan ka na sa pagre-recall at mag-hang na utak mo. Kaya madalas kong remedyo? Wag na lang mag-isip, tapos itutulog na lang.

Sadyang mapaglaro lang talaga ang oras. Kung kelan naghihintay ka saka tila bumabagal ang oras. Tapos kung kelan nag-eenjoy ka saka tila bumibilis ang oras. O nagkakataon lang talaga?

Hindi ko minsan matanggap ang katotohanang tuloy-tuloy lang talaga sa pagtakbo ang oras. Na hindi ka pupwedeng tumambay sa nakaraan habangbuhay. Sabi nga: 'Past is a nice place to visit, but not a goodplace to stay'. Parang sobrang fast forward lang kasi ng mga nangyayari lately, sambot mo lahat ng thoughts of life. Siguro dati kasi hindi pa ganito ka-broad ng isip natin para isipin ang 'lahat' ng bagay, kaya nasha-shock tayo lately.

Pero siyempre, 'Life must go on.' Hindi ba't mas nakakacurious at nakakaexcite ding isipin kung anong sorpresa ang hatid ng bukas? Bukod sa magma-mature tayo physically and mentally, we can also be emotionally intelligent kung pagbubutihin lang natin? Don't lose hope!

Pero still at the end of the day, mapapa-ewan ka pa rin e. Hay buhay.

July 18, 2012

The Merely Surprising and the Truly Amazing.

From Jessica Zafra's Twisted 8 1/2. 2010. The Moon, the Meryl. Available at NBS.  

July 14, 2012

Bugso ng Damdamin #1: Kay Lavander-Siamese





Posible nga bang magkaroon ng kakaibang bond kahit pa matagal na kayong hindi nagkikitaan?

Oo. Mahirap talaga kapag nag-aasume lang. Pero bakit ganun? Bakit parang laging may kakaibang 'something' na bond sa pagitan namin? Ilang taon na'ng laging ganun yung atmosphere. Malisya? Mahirap talaga kapag nag-aasume lang. Pa'no kung hindi naman pala talaga? Na ako lang pala yung nag-iisip nito in the first place? All this time hindi naman pala talaga? E matagal na ngang hindi nagkikitaan 'di ba? Maliit ang chance. Maliit. Mahirap talaga kapag nag-aasume lang.

Tsaka sino ba naman ako? Wala pa ngang nararating sa buhay, ito agad yung iniisip? Tsaka mo na dapat unahin yan kapag may trabaho ka na, kumikita ka na!

Pero mahirap din namang magsikap nang walang iniinspirasyon sa buhay. Oo, pwede namang tumuon sa ibang bagay pero iba pa rin 'yun' e..

At siya ay maguguluhan na sa pagtimbang-timbang ng mga bagay-bagay. Hanggang matigilan na lang siya at hayaan na lang ang mga itong magkabuhol-buhol sa isip nya.


Ngunit sa huli, pilit pa rin siyang kakapit. Pilit pa rin siyang maghihintay.

Ay ewan. Buhay nga naman.


Astig.