Hindi ko pala naikwento sa journal ko last year kung paano ko nai-celebrate yung birthday ko. Super busy din kasi ako nun sa trabaho ko kaya hindi ko masyadong na-update posts ko nung buwang yun. Basta ba araw-araw kasi akong pagod, bloated at stressed nun. Buti na nga lang e wala na ako dun.
Pano ko nga ba na-celebrate yun? Wala nga pala akong trabaho nun kasi pina-day off pala nila ako sa work, regalo daw nila sa 'kin. Dumaan nga lang pala ako dun kinahapunan para magpa-blowout ng pancit at coke. Tapos gumala din ako nun sa Robinson's tsaka nagpa-print ng t-shirt (regalo sa sarili). Tapos nagkita kami ng mga close friends ko at kumain kami sa Divimall. Tapos gabi na umuwi. Pagdating sa bahay, spaghetti ba yung handa nun o pancit? Halo-halo na mga events sa utak ko, last year pa nga kasi nangyari e. Hindi ko na maarok kung alin nga ba ang tama. Memory gap, hehe.
Siyempre, sino ba naman sa atin ang hindi nag-expect ng kahit ano habang papalapit ang birthday niya? Kahit pa sabihin natin verbally na "HINDI AKO MAG-EEXPECT," nandoon pa rin sa kadulu-duluhan ng isip natin yung pag-expect at paghiling ng mga gustong mangyari sa pagsapit ng birthday niya. Automatic na yun e, programmed na sa utak natin once na lumalapit ang kaarawan natin. Parang ngayon lang, eksaktong isang linggo na lang birthday ko na. Nung elementary at highschool, halos walang nakakaalam kung kelan ako magbe-birthday. Nalalaman na lang nila (nagugulat pa nga minsan) kapag ina-announce na lang yun ng adviser namin dahil nasa record nya birthdays ng buong klase. Tsaka hindi rin ako ganun kakumportable kapag may bumabati sa 'kin ng "HAPPY BIRTHDAY!" dahil perception ko lagi noon e nakikipagplastikan lang sila. Awkward, parang pilit lang at hindi sincere. Mas hardcore pa nga dati: once na malaman ng klase na birthday mo, sabay-sabay ka nilang kakantahan bigla ng "HAPPY BIRTHDAY" sa gitna ng klase (minsan may "MALIGAYANG BATI" pa nga e, para maubos yung oras. hehe). At dahil alam na nga nila, humanda-handa ka na sa uwian dahil babasagan ka nila ng itlog! (minsan may harina pang kasama!) Grabe High School Grabe! Nabasagan nga ako ng itlog nung 4th year e. Sarap. Buti na lang may mahuhugasan at hindi dumamay sa damit ko.
Minsan-minsan naiisip mo rin: Ano kayang mangyayari sa birthday ko? May babati kaya sa text? May makakaalala kaya? May magreregalo kaya? Panigurado namang may babati sa Facebook dahil mano-notify naman lahat ng friends mo kapag birthday mo, so hindi mo rin sure kung nakaalala ba talaga o 'napaalalahanan' lang. Tsaka para sa 'kin hindi masyadong 'touchy' ang bati kapag sa FB lang, yung tipong "hbd" lang yung pinost sa wall mo (wala man lang kahit period! parang napadaan lang talaga). Wasak na wasak lang. Ni sa talambuhay ko nga, wala pang nag-'bonggang surprise' sa birthday ko. Yung para bang: surprise sayo ng mga friends, biglang sumulat/nagregalo sayo si Lavander-siamese, yung mga hindi-magarbo-pero-nilagyan-ng-effort na mga regalo, etc. Alam mo yun? Yung hindi mo naman talaga ie-expect pero mas matutuwa ka sana kung mangyayari ytng mga yun? Ganun baga...
Tsaka wrong timing nga rin pala kasi. Isang buwan ko nang nilalakad yung pag-aapply ng trabaho, stucked-up pa rin ako sa medical. Dami pa kasing kailangang ayusin sa akin para ma-fit to work na. Medyo recession din sa bahay, so wala rin (at hindi rin naman) akong dapat asahan. Wala din tuloy akong pang-blowout kahit pansarili na lang. Tutal sanay na rin naman akong wala lagi, edi keribells na lang.
* * * * * * * * * *
O kung hindi man, kahit batiin na lang ako ni Lavander-siamese sa hindi malilimutang paraan. Regaluhan niya ako, sulatan niya ako. Kahit ano, magca-cartwheel na ang puso ko nang bonggang-bongga galing sa kanya.
Pero higit anupaman sa mga sinulat ko dito, ipapaubaya ko na lang kay Lord yung mga mangyayari sa kaarawan ko. Kung pagbigyan man Nya o hindi ang mga hiling ko, ayos lang sa 'kin. Dahil higit Niyang alam kung ano ang mas makabubuti sa 'kin, at maluwag sa loob kong tatanggapin yun. Kahit kelan naman hindi Niya ako pinabayaan e. Basta huwag lang Niya kami -- ng pamilya at kaibigan ko -- ilapit sa kapahamakan, solve na lahat. =)
Basta hindi na lang talaga ako masyadong mag-eexpect ng kahit ano. Hihihi.
No comments:
Post a Comment