Pinipilit ko sa sarili kong 2,400 ang sweldo kaso 2,200 lang talaga e (200 para sa deductions). Hehe. |
Okey lang naman daw na gastusin mo ang unang sweldo mo imbes na i-save mo sa bangko (o alkansya kung gusto mo), basta ang bibilhin mo ay magiging memorable at sentimental na makapagpapaalala ng una mong sweldo at siyang magbibigay ng inspirasyon sa'yo para mag-strive harder pa. Sabi yan ni Ramon Bautista dun sa Formspring nya.
Kaya ayun, bukod sa nagbigay ako sa bahay namin at nagpalibre sa mga friends, bumili na lang din ako nitong MP3 player na'to. Para may soundtrip lang ako habang bumabyahe sa work papasok at pauwi, para may inspirasyon naman ako sa buhay kong maano, hehehe. "Music is the food for the soul" nga daw e. Regalo ko na lang 'to baga sa sarili ko 'no, hehe. :)
No comments:
Post a Comment