July 25, 2012

Bugso ng Damdamin #3: Pera Pera, Burnout.

Sandwich - Pera Pera from Marie Jamora on Vimeo.


Ayun. Nakakalumbay na naman ang mga nakaraang araw. Ewan ba. Lagi na lang ganito. Actually mala-routine na nga araw araw e. Lagi lang sa bahay: gising ng tanghali, tulog sa hapon (optional), kain, tunganga, tapos puyat sa madaling araw. Mag-iisang buwan na ngang ganito e. Gusto ko na talagang mag-apply ng trabaho, kesa namang tambay lang ako lagi sa bahay. Para akong nakakulong. Kapag walang pera, hindi rin makakalabas ng bahay. Mag-aapat na buwan na nang ganito e.

Alam mo yun? Makakagawa naman ako ng makabuluhang mga bagay basta meron lang pera e. Yeah. PERA. Andami kong mga naiisip na gawin, pera lang ang kulang. Gusto kong magkaroon ng bike, kumain nang maraming marami para tumaba na ako, etcetera etcetera. Sa totoo nga lang e may naipon nga ako nung nagtrabaho ako dati bilang salesboy (o bantay ng pwesto, basta ganun). Halos isang taon ko ring napag-ipunan yun, pang-college ko. Kaso hawak hawak ni Mama yung inipon ko, para hindi ko daw magastos. Sabagay din naman. Kaya ayun. Wala na akong pera. Wag na nga lang pag-usapan...





Eto automatic na. Kapag dumating na yung point na malungkot na, susunod na nyan yung pag-iisip ko sa kanya. Yep. Si Lavander-siamese. Mga 3 years na rin siyang nakatambay sa isip ko. Ewan ko ba, matagal na kasi kaming di nagkikita nang personal (although in-connection pa din naman kami on line at text minsan). Kahit may connection, lagi pa ring kulang yung pakiramdam ko kalaunan. Basta lagi kasing automatic yun, kapag dumadaring yung time na bloated at burnout na ako sa magdamag, naiisip ko na siya. Si Lavander-siamese na walang pakialam sa 'kin. Ni hindi ko nga alam kung ganito rin yung pakiramdam niya sa 'kin e. Halos magmistulang stalker na nga ako sa kakahanap ng mga updates sa kanya online, pero hanggang dun lang siyempre. Alam mo yun? May mga bagay lang kasi talaga sa buhay na kailangan may inspirasyon ka. Sabagay kasi busy yun ngayon maging reporter. Basta ba, malungkot lang talaga ako sa set-up namin ngayon. Iisipin ko na lang na pagsubok 'to na ginagawa sa 'min ni Lord. Kailangan ko lang maging matatag at magtiwala sa mga plano Niya sa amin. Sana kayanin ko talaga, at kayanin din niya... Ewan, wag na nga lang pag-usapan...

Hirap mag-blog kapag isang oras lang. Badtrip lang. :|
Kakapit lang. Mahigpit.

No comments:

Post a Comment