July 19, 2012

Bugso ng Damdamin #2: Araw. Oras. Panahon. Tumatakbo.



Ayun. Tila nakakalumbay lang ang mga nakaraang araw. Ewan ba. Parang ang bilis bilis lang ng panahon ngayon. Parang kahapon lang e tuwang tuwa pa akong nanonood ng Bubble Gang. Tapos mamalayan ko na lang Thursday na pala at Friday na ulit kinabukasan. Ganito yata ang hirap kapag naka-routine lahat ng gagawin mo lagi -- na sa sobrang pagkakapareho at paulit-ulit ng mga ginagawa mo sa araw-araw, nagra-rumble na sa isip mo yung pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Yung something na ginawa mo weeks ago bigla na lang sisingit sa mga ginawa mo kahapon lang and vice versa. Tapos maguguluhan ka na sa pagre-recall at mag-hang na utak mo. Kaya madalas kong remedyo? Wag na lang mag-isip, tapos itutulog na lang.

Sadyang mapaglaro lang talaga ang oras. Kung kelan naghihintay ka saka tila bumabagal ang oras. Tapos kung kelan nag-eenjoy ka saka tila bumibilis ang oras. O nagkakataon lang talaga?

Hindi ko minsan matanggap ang katotohanang tuloy-tuloy lang talaga sa pagtakbo ang oras. Na hindi ka pupwedeng tumambay sa nakaraan habangbuhay. Sabi nga: 'Past is a nice place to visit, but not a goodplace to stay'. Parang sobrang fast forward lang kasi ng mga nangyayari lately, sambot mo lahat ng thoughts of life. Siguro dati kasi hindi pa ganito ka-broad ng isip natin para isipin ang 'lahat' ng bagay, kaya nasha-shock tayo lately.

Pero siyempre, 'Life must go on.' Hindi ba't mas nakakacurious at nakakaexcite ding isipin kung anong sorpresa ang hatid ng bukas? Bukod sa magma-mature tayo physically and mentally, we can also be emotionally intelligent kung pagbubutihin lang natin? Don't lose hope!

Pero still at the end of the day, mapapa-ewan ka pa rin e. Hay buhay.

No comments:

Post a Comment