Matagal na din akong gumagawa ng graphic design sa Adobe Photoshop, specifically para sa t-shirt. Experiment experiment lang sa una. Kung anong design yung nai-integrate sa isip ko, mino-mortalize ko thru Photoshop. So far marami na akong nagawang designs (karamihan dito ay pinapagawa lang, hehe).
Note: Click image to enlarge.
#1: COMTECH. Recently lang 'to. Pinapagawa/Pinapa-polish ni Justin (friend, classmate). Para daw sa organization shirt nila. May binigay siyang image nung una na iisipan ko ng design sa likod. Hanggang sa i-reset yung design pati layout, at ito nga yung finished (?) product. Medyo wala pa akong idea kung pa'no imo-mortalize yung design na 'to nung time na ginagawa ko 'to. Subject to change pa yata. Royalty: none pa (sob)
#2: TOURISM: Recently lang din. Pinapagawa naman ni Jany Vi (friend and classmate din). Para din sa organizational shirt ng course nila. May TF naman daw so kinagat ko siyempre. Start from scratch ko rin 'to ginawa. Ilang araw ko rin inisip yung magiging layout nito. Mga 2 hours ko din 'to trinabaho (sa comshop pa). So far eto yung proudest design ko, kahit pa na-realized kong parang pang-detergent brand yung logo/layout niya (ex.: Zonrox). Hehehe :D Royalty: Sabi naman niya meron naman. Pero so far, wala pa akong natatanggap (sob)
No comments:
Post a Comment