August 9, 2012

Music Video Express #2: Disconnection Notice, You Only Live Once & Putik.

Another rundown of music videos that touched and influenced (somehow) MY life. A for the highest and E for the lowest. Continuous numbering.





#4: Disconnection Notice
Artist: Pupil
From the Album: Wildlife (2007)
MV Directed by: Quark Henares
MV Released: Around 2008

Nakaka-LSS kahit intro pa lang. Perfect na perfect sa mga susugod sa exam, mala-energy booster. Nakaka-high ng spirit. Parang droga, energized ka pagkatapos mong pakinggan. Perfect soundtrip din during Earth Hour (Turn off the lights now!). Rock kung rock! \m/

Very cool din ng MV niya, kahit parang hindi masyadong connect sa lyrics ng kanta. Pero nandun pa rin yung rock at high energy-ness. Mental hospital ang motif pero cool pa din ng place. Astig ng pagpasok ng chorus (01:07), DISCO sa sayaw. Kulit lang din nung sa Tinikling part (03:05), parang test dun sa mga patients kung matino na sila. Astig talaga!

Rating: A





#5: You Only Live Once
Artist: The Strokes
From the Album: First Impressions of Earth (2006)
MV Directed by: Samuel Bayer
MV Released: Around 2006

Una kong napanood yung MV nito way back 2007 (yata) sa channel 21 habang nagcha-channel surfing. Hindi naman yata palabas yun, parang nagpe-play lang sila ng mga music videos alongside Good Charlotte at  Join the Club (Dekada). Blocktimer lang baga. Ganda din kasi ng message ng kanta, brings hope sa buhay baga. Good vibes ganon.

Nakakatuwa lang din yung music video niya, yun yata yung dahilan kung bakit ko siya natandaan lalo e. Nakaka-curious lang kasi yung mga bumubuhos dun (parang grasa na malabnaw lang). Iniinom-inom pa nung kumakanta. Hehe. Magaling talaga yung pagkakagawa. 
Rating: B







#6: Putik
Artist: Sandwich
From the Album: Contra Tiempo (2010)
MV Directed by: RA Rivera
MV Released: Around 2009 (released first)

Masasabi kong anthem nung rumagasa yung bagyong Ondoy sa Pinas, na binabad sa mala-putik na baha ang majority ng Metro Manila. Yung first & second part ng chorus (Sa ibabaw ng bubong/Nakita kong nagunaw ang mundo) ay pinapalagay kong galing sa balita noon kay Cristine Reyes, na na-stranded sa ibabaw ng bubong ng bahay nila na binaha noon ng Ondoy. The song describes yung mga nangyari nung time na yun. Perfect na pang muni-muni sa mga bagay-bagay. Ayos din nung MV. Yung tipong kahit parang nagja-jamming lang sila sa bahay e ramdam mo yung depth na pinaparamdam ng kanta. Sarap. :)

Rating: B+

Mahabang listahan pa yan. Stay tuned lang. Enjoy listening. ^_^

No comments:

Post a Comment