August 4, 2012

Music Video Express #1: Julie Tearjerky, Gaan & Vampire Social Club.

Ang alam ko grade school pa ako nun nung una akong nakapanod at naka-appreciate ng mga music videos. Especially nung nasa free TV pa ang MTV Philippines sa channel 41 (na na-transfer sa cable nung 2007 hanggang sa ma-defunct na nung early 2011). Hanggang sa ma-familiarize naman ako sa MYX (na nagfi-free broadcast lang sa Studio 23 kapag madaling araw, olats sa cable e) na nagsisilbing daan sa akin para maging updated kahit papaano sa music industry. Nakakatuwa lang kasing panoorin at pakinggan. Kumbaga mino-mortalize/binibigyang-buhay nila yung mga paboritong kanta natin. Malaking trigger din kasi yung MV (music video) sa isang kanta. 'Di ba?

Here's MY rundown of music videos that touched and influenced (somehow) MY life. A for the highest and E for the lowest.



#1: Julie Tearjerky
Artist: Eraserheads
From the Album: Aloha Milkyway (1998)
MV Directed by: Matthew Rosen
MV Released: Around 1998
Nakakatuwa yung kanta, pati yung music video. Very colorful. Alam ko kung pa'no ginawa yung trick dun sa bandang 01:55. Napursigi akong matutong mag-juggle nang mapanood ko yung part ng musicvid na jina-juggle ni Raymund Marasigan yung mga batteries (01:22). Classic.
Rating: A


#2: Gaan
Artist: Archipelago
From the Album: Travel Advisory (2008)
MV Directed by: Yan Yuzon, Mia Guerrero and Nina Guerrero
MV Released: Around 2009/2010 
Very relaxing yung kanta. Perfect soundtrip habang nasa mahabang biyahe o kaya nakatambay lang sa convinient store nang madaling araw. Pang muni-muni. Astig din yung MV nung kanta, mala-70s/80s yung treatment. Relaxing and Unnerving. Galing. 
Rating: B




#3: Chicosci Vampire Social Club
Artsist: Chicosci
From the Album: Chicosci (2006)
MV Directed by: Wincy Ong
MV Released: Around 2007

Naalala ko lang kanina. Reminds me of early MYX years, nung mga panahong dominated ng OPM ang daily top charts ng mga music channels. Spreading good vibes. Nakakatuwa din yung MV, brings back the cassette tape days! Yay! Perfect soundtrip kung gusto mong ma-energize mentally. Rocks! :D

Rating: C+

Note: Hindi pa tapos yan. Mahabang listahan yan, na madadagdagan pa as time goes by. Stay tuned. :)

No comments:

Post a Comment