August 14, 2012

Bob Ong: At Least Lumulutang..


From Bob Ong's 'official' fan page. Dated August 11, 2012.






Hindi solusyon ang ngiti sa mga sakit, gutom, krimen, at mga problemang politikal at pang-ekonomiyang epekto ng baha na sunod na nating haharapin.

Mas may silbi ang bayanihan kung ilalagay natin ito sa unahan ng kalamidad kesa sa huli. Mas kapaki-pakinabang ang pagtutulungan kung gagamitin natin ito para maiwasan ang mga trahedya, sa halip na pang-search and rescue lang o sama-samang paglilinis ng putik sa buong barangay.


**********
  • Di na dapat inuubos ang oras sa rescue mission sa mga residenteng matitigas ang ulo na ilang beses nang pinaalalahanan. Masyadong maraming dapat tulungan ang mga emergency response team para manuyo pa ng mga ililigtas.
  • Sa mga bansang tulad ng Amerika lang na may malalaking kalye at matitibay na bahay epektibo ang rubber boats. Sa Pilipinas, mabubutas lang lahat ang mga ito dahil sa mga basura at dami ng debris. Ang kailangan natin, yung mga PVC pipes boat na mas mura, mas akma, at gawa mismo ng mga Pilipino.
  • Kung may duda ka sa isang ahensiya, sa ibang ahensiya na pinagkakatiwalaan mo padaanin ang tulong mo.
  • Kung may duda ka sa lahat ng nangangalap ng tulong kaya hindi ka na lang tutulong...siguro wag mo na lang ipagmalaki sa Facebook. Kasi, 'tol, hindi nakakapogi. ;)
  • Ang pagse-share ng mga video o JPG images ng quotes o facts tungkol sa global warming pagkatapos ng kalamidad ay hindi pagiging "environmentalist". Ibig lang sabihin noon na maganda pa rin ang internet connection mo kahit na baha at brownout sa iba.
  • Kung ikaw ay politiko at kailangan mong ilagay ang mukha at pangalan mo sa mga lata ng sardinas o plastic ng relief goods na ipinamumudmod mo kapag may kalamidad, ibig sabihin noon hindi mo ginagawa ang trabaho mo. Dahil kung tapat ka sa tungkulin mo, hindi mo kailangan gumawa ng desperadong paalala sa mga tao na nagsisilbi ka sa kanila sa tuwing magsisilbi ka sa kanila.
  • Ang paulit-ulit na itinuturo sa atin na REDUCE, REUSE, RECYCLE ay siya ring mensahe na ipinapaalala sa atin ng mga kalamidad.



  • Tulad ng makulit na asong nagbabalik sa atin ng stick sa larong 'fetch', lumakas lang konti ang hangin ay ipinapaalala na sa atin ng Manila Bay kung ano ang atin. "These yours, master?" masayang kaway ng mga alon habang bitbit ang tone-toneladang basura.
  • Nagawa na ng maraming lungsod sa PILIPINAS (mismo) ang pagbaba-ban ng plastic bag. Ano pa ang hinihintay ng iba?
  • Walang silbi ang garbage segregation ng mga residente kung hindi rin alam ng mga kolektor ng basura ang gagawin dito. At maipapatupad lang ang sapilitang paghihiwa-hiwalay ng basura kung yung mga non-biodegradable lang ang kokolektahin ng mga basurero.
  • Hindi si Milenyo, Ondoy, Sendong, o itong pakyut na habagat ang katapusan ng mga bahang ito; mas sasama pa ang lagay sa hinaharap.




Kaya dapat mang ipagmalaki ang bayanihan, ang katatagan ng loob, at ang mga ngiti ng Pilipino sa gitna ng trahedya, hindi po tamang doon na lang matapos ang lahat.



http://cristescuroberto.wordpress.com/2009/08/


¿ouıdılıd ɐƃɯ ƃuɐ pɐʇƃılɐq ƃuɐu ɐsɐqɐqƃɐɯ ɐq uɐlǝʞ ƃuɐƃƃuɐɥ



O, share mo 'to para mabasa ng iba. Yung iba naman kasi ang may kasalanan, hindi ikaw. "SILA." *kindat*

No comments:

Post a Comment