Wooh! Ayun! Pagkatapos ng lampas isang buwan, nakasulat at nakabisita ring muli sa'yo minamahal kong blog (naks!). Ganito yata talaga kapag super busy ka, hindi mo namamalayan na ilang araw na pala yung lumilipas. Grabe, to the fact na emo-emohan pa ako sa last post ko. Langya :D
Medyo marami na ring nangyari specifically sa akin sa nakalipas pa lang na isang buwan. Ganun naman yata talaga, nagbabago ang kalagayan mo, pananaw mo sa buhay, interaction mo sa mga friends mo, social life. Basta, ganun naman talaga: Change is constant.
Kinabukasan pala ng
last post ko e nagstart na 'ko dun sa trabaho ko. Pa'no ko ba ire-recall 'to? Yung first two weeks ko dun e adjustment period baga sa environment, workplace at mga katrabaho. Yung mga time na natatanga-tanga ka pa sa ginagawa nyo, tapos mabagal ka pa daw, tapos di pa kayo masyadong close ng mga kasama mo dun. Basta, puno ako ng doubts and fears (wow!) na pansarili ko lang naman. Stressed pa ako nun lagi pag uwian na, hehe. Pero nakaka-adjust naman na dun sa sumunod na two weeks. Magaan na yung pakikisama mo sa mga katrabaho, tapos medyo kaya mo na yung ginagawa nyo dun, nakakasabay ka na sa kanila, hindi ka na stressed kapag pauwi at papasok, yung tipong pagod na lang yung majority na kalaban mo? Ganun naman yata talaga kapag nagsisimula ka pa lang sa isang trabaho. Basta masaya naman na kahit papano, lalo na nitong natanggap na ang unang sweldo (wooh!), pero sa sunod ko na muna ikwento yun, hehe.
Buti nga at nakaranas din ng long holiday nitong Undas, kaya medyo nakapag-unwind din at nakapag-bonding sa mga friends. Ready na ulit para harapin ang kung anumang itapon ni Kapalaran at Tadhana sa akin. Let's Go Beybeh! :D
**********************
Namakyaw nga pala si Ate ng Kikomachine Komix this week, tatlo agad! Magawan nga ng review kuno sa mga susunod na araw. Hehe :D