Formerly known as FRA(ME) AGAINST THE WORLD.
Mga iba't ibang kwento ng pagbagsak, pag-angat at kung ano-ano pang mga mala-teleseryeng tagpo sa mapaglaro at makulay na buhay ni Frame Rivas. Since 2012.
Kikomachine Komix #8. Available on National Book Store at Php150.
Matagal ko nang alam na merong Kikomachine. Isa ito sa mga dahilan kung bakit lagi kong dinadaanan ang National Book Store everytime na nasa mall ako. Lagi kasi akong tambay sa Philippine Fiction Section ng bookstore, not knowing na yung mga Kikomachine comics together with other Philippine Comics ay nasa Entertainment Section pala. Suki kasi ng Bob Ong Books at Twisted Series, hehehe. May mga libro naman na akong nabili, pero sa kasamaang palad wala pa akong mga comic books. Natitingnan ko na din yung mga ito sa bookstore, pero talagang gipit sa pambili e. Kaya dun na lang binabasa at tinatapos yung mga babasahing hindi ko pa mabili. Patawarin.
I think it was three weeks ago na nung nahiram ko 'to sa friend kong si Justin, nung minsang napunta kami sa kanila one time. Reto daw sa kanya yung comic book na'to ng ex niya. Exchange books daw. Magpa-tsismis ba? hehehe
Latest masterpiece from cartoonist Manix Abrera. Published last May 2012 composed of strips from 2009 to 2010 (first appeared on Philippine Daily Inquirer).
I assure you: walang part ng comic book na 'to na hindi ka makaka-relate, mapapaisip, mapapangiti nang marahan, mapapatawa, mawi-weirduhan, at mapapa-'oo nga'. Tatamaan ka talaga. 100% Satisfaction Guarantee. 100% RakEnRol Quality. Tapos Php150 lang. Oha, san ka pa?
Argh. Wasak na title. Alam ko sa Math 'to e, yung geometric mean something something.
Title. Ganda ng lettering!
Page 37.
Page 42.
Page 41.
Middle strip. Favorite part ko talaga yan hehehe!
Ginagawa ko din kasi yan minsan. Hihihi!
Page 22. Last part of Bulutong Tubig Stories Vol 2: Hanggang Saang Hangganan. Wasak na winner!
Coverflap sa likod. For more online strips pa.
P.S.
Ibabalik ko naman yung book na 'to, hehe. Hindi ko aarborin noh! :o)
Gustong gusto kita, kaso ayaw na ayaw mo sa akin :'((
Premiered last July 12, 2012. Napaaga ngayon ah?
The story of Angeloh. Starring Japo Araneta as Angeloh and Khaela De Leon as Rheen-Rheen.
'Maging tanga Responsibly' T-shirt. Like.
Mula sa direksyon nila RA Rivera at Ramon Bautista. Once na mapili ang kwento mo, ire-enact nila (with talents from Pasisikatin Kita Iha Foundation), magbibigay ng advice, and you will win a t-shirt from them!
Jejemon. Hehehe.
Angeloh: Pwede bang manligaw? Cute panda puppet.
Rheen-Rheen and Angeloh.
Sad Angeloh.
Pagkakaiba ng Friend Zone sa Basted Zone. "Ang mga Friend zone ay may pa-consuelo. Pwede silang maging kaibigan, ka-text, pwede mag-hang out. Pwede pa ring maging Abangers. Pero 'pag natabla ka, wlaa ka na. Walang matitira sa'yo. Maski pagkakaibigan burado ka."
Diagram of Friendzoned at Basted Zone.
Huwag agad aamin. "Kasi unang una, masisira ang friendship. Kung gusto nyong umamin, naku iparamdam mo lang. Para kapag sinabi niyang 'Yuuck', pwede mo sa kanilang sabihin na 'Feeling'."
Another quote from Ramon Bautista: Ang tunay na pag-ibig ay hindi cheesy, sweet at huma-happy ending katulad ng mga nasa sine. Ang tunay na pag-ibig ay masakit at mapait. Oo nga naman. Kaparehas lang ng mga kinagisnan nating fairytales na huma-happy ending, pero dark talaga sa katotohanan.
Ramon: If it's not yet hot, then heat it up first.
Posible nga bang magkaroon ng kakaibang bond kahit pa matagal na kayong hindi nagkikitaan?
Oo. Mahirap talaga kapag nag-aasume lang. Pero bakit ganun? Bakit parang laging may kakaibang 'something' na bond sa pagitan namin? Ilang taon na'ng laging ganun yung atmosphere. Malisya? Mahirap talaga kapag nag-aasume lang. Pa'no kung hindi naman pala talaga? Na ako lang pala yung nag-iisip nito in the first place? All this time hindi naman pala talaga? E matagal na ngang hindi nagkikitaan 'di ba? Maliit ang chance. Maliit. Mahirap talaga kapag nag-aasume lang.
Tsaka sino ba naman ako? Wala pa ngang nararating sa buhay, ito agad yung iniisip? Tsaka mo na dapat unahin yan kapag may trabaho ka na, kumikita ka na!
Pero mahirap din namang magsikap nang walang iniinspirasyon sa buhay. Oo, pwede namang tumuon sa ibang bagay pero iba pa rin 'yun' e..
At siya ay maguguluhan na sa pagtimbang-timbang ng mga bagay-bagay. Hanggang matigilan na lang siya at hayaan na lang ang mga itong magkabuhol-buhol sa isip nya.
Ngunit sa huli, pilit pa rin siyang kakapit. Pilit pa rin siyang maghihintay.
It was the second week of June nung napagtripan kong bulatlatin yung family album (actually photo box siya, nasisira kasi sa album yung iba) namin. Naisipan ko din kasing gawan ng digital copy yung mga pictures, para atleast may back-up file na kung sakaling ma-damage yung mga original pictures. Most of the pictures were from me and my siblings' childhood (circa 2000 above). Mga kuha galing sa Kodak camera namin (na sa pagkakatanda ko, halagang P400+ lang), tapos siguro aabutin ng mga three weeks bago ubusin yung 24-shot film roll bago ipa-develop.
Kasama din sa 'kartong baul' yung negatives ng mga shot na 'to ng mga magulang at kapatid ko (hindi pa ako kasama nun, panganay hanggang pangatlo lang). Magaganda yung mga kuha. Sabi ni Papa kinuhanan daw yun ng kaibigan niyang Amerikano.
Hassle pa magpa-reprint ng film ngayon. Kailangan may minimum count na ipiprint. Tapos magastos pa.
How did we do it? Shoot with a white background. Convert to negative. Negative images become positive. Then adjust the photos until the picture normalize. :o)
Click image to enlarge.
Kuya ko.
My family. Circa before 1993 (wala pa ako).
L-R from top. Papa. Mama (carrying Kuya). Kuya. Ate.
Mga anak ng kaibigan ni Papa.
Asawa ng kaibigan ni Papa.
Kuya. Ate. Pinsan.
Kuya. Ate. Pinsan.
Ate.
My family again. Circa before 1993 (wala pa ako).
L-R from top. Papa. Mama (carrying Kuya). Kuya. Ate.