November 9, 2012

Kikomachine Komix #6: Venn Man.


Intro: Ayun. Out of nowhere bigla na lang nag-uwi si Ate ng Kikomachine Komix sa bahay. Nabasa din nya kasi yung mga hiniram kong Kikomachine Komix #1 at #8, kaya bumili na din siya galing sa gala nya, haha.

Sixth installment ng Kikomachine Komix Series by Manix Abrera. Published last 2010, composing of strips from 2006-2007 (first appeared on Philippine Daily Inquirer).

Basta grabe lang siya basahin. Makaka-relate ka panigurado, dahil sumasagi din sa isip mo yung mga nakapaloob sa comic book. Lahat na lang ng ka-wirduhan at ka-surreal-an nandito na yata e. Basta pati yung mga non-existential something na nasa isip mo e pinipilit i-exist yung possibility niya dito (wooh!). Grabe, ang hirap talaga i-personify at i-describe yung kaastigan nito. Must have talaga sa halagang P150 lang. RakEnRol! Asteeg!

Click image to enlarge.






November 6, 2012

Ang Unang Sweldo. Bow.

Pinipilit ko sa sarili kong 2,400 ang sweldo kaso 2,200 lang talaga e (200 para sa deductions). Hehe.

Totoo nga talaga yung sinasabi nila na: "Pinaka-champion ang unang sweldo". Ewan ba, kahit pa yung mga friends ko e napapakunot at napapaewan bakit medyo mababa pa daw (todo paliwanag pa ako syempre, talo pa nila ako mag-expect e). E ano kung mababa? Ganyan naman talaga sa simula e, pagkatapos naman nyan e tataas na yan. Tsaka atleast pinagpaguran KO yan kaya ganun talaga. Walang basagan ng trip men! Hassle pa nga yan dahil late pa kami nakauwi dahil sa pagkuha ng ATM namin, so literal kong pinaghirapan yan para makuha. Hehehe :D





Okey lang naman daw na gastusin mo ang unang sweldo mo imbes na i-save mo sa bangko (o alkansya kung gusto mo), basta ang bibilhin mo ay magiging memorable at sentimental na makapagpapaalala ng una mong sweldo at siyang magbibigay ng inspirasyon sa'yo para mag-strive harder pa. Sabi yan ni Ramon Bautista dun sa Formspring nya.

Kaya ayun, bukod sa nagbigay ako sa bahay namin at nagpalibre sa mga friends, bumili na lang din ako nitong MP3 player na'to. Para may soundtrip lang ako habang bumabyahe sa work papasok at pauwi, para may inspirasyon naman ako sa buhay kong maano, hehehe. "Music is the food for the soul" nga daw e. Regalo ko na lang 'to baga sa sarili ko 'no, hehe. :)

November 5, 2012

Wooh! Anyareh na?!?


Wooh! Ayun! Pagkatapos ng lampas isang buwan, nakasulat at nakabisita ring muli sa'yo minamahal kong blog (naks!). Ganito yata talaga kapag super busy ka, hindi mo namamalayan na ilang araw na pala yung lumilipas. Grabe, to the fact na emo-emohan pa ako sa last post ko. Langya :D

Medyo marami na ring nangyari specifically sa akin sa nakalipas pa lang na isang buwan. Ganun naman yata talaga, nagbabago ang kalagayan mo, pananaw mo sa buhay, interaction mo sa mga friends mo, social life. Basta, ganun naman talaga: Change is constant.

Kinabukasan pala ng last post ko e nagstart na 'ko dun sa trabaho ko. Pa'no ko ba ire-recall 'to? Yung first two weeks ko dun e adjustment period baga sa environment, workplace at mga katrabaho. Yung mga time na natatanga-tanga ka pa sa ginagawa nyo, tapos mabagal ka pa daw, tapos di pa kayo masyadong close ng mga kasama mo dun. Basta, puno ako ng doubts and fears (wow!) na pansarili ko lang naman. Stressed pa ako nun lagi pag uwian na, hehe. Pero nakaka-adjust naman na dun sa sumunod na two weeks. Magaan na yung pakikisama mo sa mga katrabaho, tapos medyo kaya mo na yung ginagawa nyo dun, nakakasabay ka na sa kanila, hindi ka na stressed kapag pauwi at papasok, yung tipong pagod na lang yung majority na kalaban mo? Ganun naman yata talaga kapag nagsisimula ka pa lang sa isang trabaho. Basta masaya naman na kahit papano, lalo na nitong natanggap na ang unang sweldo (wooh!), pero sa sunod ko na muna ikwento yun, hehe.

Buti nga at nakaranas din ng long holiday nitong Undas, kaya medyo nakapag-unwind din at nakapag-bonding sa mga friends. Ready na ulit para harapin ang kung anumang itapon ni Kapalaran at Tadhana sa akin. Let's Go Beybeh! :D


**********************

Namakyaw nga pala si Ate ng Kikomachine Komix this week, tatlo agad! Magawan nga ng review kuno sa mga susunod na araw. Hehe :D

October 4, 2012

Bugso ng Damdamin #4: It's Not a Perfect World.



'Life is always unfair' nga daw sabi ng ilan. Ewan ba. Kahit pa iwasan mong isipin ang mga negatibong bagay bagay, yun at yun talaga yung lumalabas sa tawas e. Hindi ko talaga ma-explain. Kung sino pa yung matino at magagaling, ayun pa yung dinidispalinghado ng buhay. Anggulo ng pulitika, anggulo ng palabas sa TV, anggulo ng traffic, anggulo ng puso kong may angst (wow!). Basta, yung tipong mabigat yung pakiramdam mo pero hindi mo ma-explain at ma-specify kung ano ba talaga yun. Ewan ko ba. Nakakainis lang minsan..

Naalala ko tuloy yung Meteor Garden moments ko dati 9-10 years ago, nung palabas siya sa Channel 2. Wala lang, tingin ko mas okey pa yung F4 kesa sa mga KPop na hindi mo maarok kung anong nasinghot at napaka-weird ng mga hairstyle at costume. Tsaka lagi na lang pop songs yung nilalabas nila, puro na lang party party. E hindi naman laging ganun ang buhay natin, nakakaranas din naman tayo ng kalungkutan, etc (kaya mas mahal ko ang OPM e, especially mga banda). Saulado pa namin yung mga kanta nila kahit hindi namin masyadong maintindihan, pero tumagos talaga sa puso namin. Basta ganun..



Tsk. Hindi na nga lang magsasalita. Wala din namang mangyayari. Lalo na't papalapit na ang eleksyon next year! Patay kang bata ka. Lulunurin ka ng mga nangangampanyang pulitiko ng mga nagkikinangan at makukulay na panliligaw nila, tapos wala din namang mababago masyado kapag nagkapanalunan na. Dun pa lang bibigat na pakiramdam mo e. Kakanta na lang. Nanamnamin ko na lang yung kanta nang buong puso hanggang sa hilumin niya ang magugulong angst ng puso ko (wow!). Wasak.

October 2, 2012

Ang Salamin. Bow.

Hindi ko inakalang mapapagastos ako ng todo sa pag-aaply ng first job (wow). Andami pa munang dapat iayos sa pisikal na aspeto ko bago maka-go. Isa na 'tong salamin na 'to.

Sabagay. Grade 5 pa lang nang unang nakagamit at nakahawak ng cellphone (Nokia 3210 at 5110, oh the classics! hehe). Tapos First Year High School nang magsimulang makahawak at gumamit ng computer. Mula sa pagka-ignorante at pagkamangha sa Yahoo Messenger, hanggang sa Friendster nung kulay orange pa ang theme, tapos naging blue naman, hanggang sa nag-revamp at nag-reformat nang tuluyan nung May 2011 (andaming masasayang alaala..). Tapos yung since birth na kakanood sa TV ng drama, balita, commercials, etc. Tapos biglang fast forward ngayon -- na Facebook, Blogger, Picasa Web, at Youtube na ang jinu-juggle nang sabay-sabay sa tuwing magrerent sa comshop. Kung susumahin: mga 8 years na sa cellphone, tapos 5-6 years sa computer at since birth (15 years?) sa TV, hindi talaga imposible na lumabo ang mata ko. Nung ipina-check ko yung grado ng mata ko: 200 ang prehong mata. Sobrang labo na daw para sa edad ko. Ang saya diba?




Kaya nga nung nag-apply ako at nagpamedical, nirequire pa akong magsalamin. Nung pinatingin ako sa snellen chart, anlabo grabe! Alam mo yung first letter na malaki tapos yung sa baba niya na dalawang letra? Dun pa lang banda hindi ko na mabasa yung letra. 20/100 yata yung naging diagnosis sa kin, kaya pina-require talaga akong gumamit na ng salamin.

Ganun pala kapag first time mo magsuot ng corrective glasses. Kahit na malinaw nga yung paningin mo, parang nakaka-conscious pa rin. Parang yung pakiramdam ko kapag may suot na relo, bracelet at hikaw: feeling mo may gumagapang na rashes na hindi mo mapigilang tingnan-tingnan. Basta ganun. Tapos medyo nakakahilo kapag nilalakad mo nang suot yun, lalo na kapag yuyuko ka at titingnan mo yung dinadaanan mo. Para kang nalalasing! Tapos hindi mo ma-accurate yung paghakbang mo, mahirap kapag makikitid yung dadaanan mo. Basta ganun. Normal lang naman daw yun sabi ng Optometrist, lalo na sa mga first time pa lang magsasalamin.



So far, mag-iisang buwan na akong nagsasalamin. Pero hindi pa sa lahat ng oras, nakapagpapapagod din kasi ng paningin. Sinusuot ko lang siya sa trabaho (dahil required) tsaka kapag lumalabas ako ng bahay (para iwas hassle, tsaka para madaling magkakitaan ng mga friends hehehe).

Ayun. Masaya lang. :)