July 31, 2012

Graphic Design Post #1: Prologue, Tourism & ComTech.

Matagal ko na ding kaibigan sa pangarap si Adobe Photoshop (pati yung flash drive ko). Una yata akong nagkaroon nito nung 3rd year pa (4-5 years ago?) galing sa ate ko, Adobe Photoshop 7.0 pa nga yun e. Routinal pa nga 'pag nagsisimula e. Ang una ko munang gagawin, i-install ko yung Photoshop sa computer (since lagi pa ako nung sa comp shop, hehehe). Tapos 'pag na-install na, tsaka ko naman ililipat yung crack nun para walang expiration chuba. Mautak ako e. Tapos install din ng mga fonts na gagamitin...and voila! Start na yun. Sa ngayon, yung ginagamit ko ay Adobe Photoshop CS3 Portable. Tingin ko hindi ko naman na kailangang mag-upgrade pa ng latest version (CS5 na yata yung pinakabago e). Sapat na 'to para sa 'kin, basic tools lang naman kailangan ko. Tsaka portable version 'to no, no need to install and i-crack. Ayos. :)

Matagal na din akong gumagawa ng graphic design sa Adobe Photoshop, specifically para sa t-shirt. Experiment experiment lang sa una. Kung anong design yung nai-integrate sa isip ko, mino-mortalize ko thru Photoshop. So far marami na akong nagawang designs (karamihan dito ay pinapagawa lang, hehe).

Note: Click image to enlarge.




#1: COMTECH. Recently lang 'to. Pinapagawa/Pinapa-polish ni Justin (friend, classmate). Para daw sa organization shirt nila. May binigay siyang image nung una na iisipan ko ng design sa likod. Hanggang sa i-reset yung design pati layout, at ito nga yung finished (?) product. Medyo wala pa akong idea kung pa'no imo-mortalize yung design na 'to nung time na ginagawa ko 'to. Subject to change pa yata. Royalty: none pa (sob)




#2: TOURISM: Recently lang din. Pinapagawa naman ni Jany Vi (friend and classmate din). Para din sa organizational shirt ng course nila. May TF naman daw so kinagat ko siyempre. Start from scratch ko rin 'to ginawa. Ilang araw ko rin inisip yung magiging layout nito. Mga 2 hours ko din 'to trinabaho (sa comshop pa). So far eto yung proudest design ko, kahit pa na-realized kong parang pang-detergent brand yung logo/layout niya (ex.: Zonrox). Hehehe :D Royalty: Sabi naman niya meron naman. Pero so far, wala pa akong natatanggap (sob)

July 26, 2012

Joker: If you are good at something, never do it for FREE.



Sabagay. Andami ko na ring nagawang mga bagay na ni-take for granted lang financially (o kahit parang equivalent royalty baga) ng mga humingi sa 'kin ng tulong: pa-edit ng video, pagawa ng logo, pa-layout ng t-shirt, etc. Ilang taon na ding ganito. Ilang taon na ding lumipas. Kung dati e pwedeng 'thank you' lang yung bayad, siyempre ngayong malaki na kami dapat kung ano yung pinagpaguran mo dapat ganun din yung 'ibabayad' sayo. Ay basta. Wala lang na naman, parang lagi ko na yatang pinapalampas na lang. Tapos kinalaunan maiinis din ako kasi hindi man lang ako kumibo etcetera etcetera. Siyempre kasi friend mo, etc. Tsaka kasi kumbaga passion mo na siya e. Love of labor ba.

Ay ewan. Siguro hihigpitan ko na bale ngayon kahit papaano. Kaya hindi ako umaasenso e.

July 25, 2012

Bugso ng Damdamin #3: Pera Pera, Burnout.

Sandwich - Pera Pera from Marie Jamora on Vimeo.


Ayun. Nakakalumbay na naman ang mga nakaraang araw. Ewan ba. Lagi na lang ganito. Actually mala-routine na nga araw araw e. Lagi lang sa bahay: gising ng tanghali, tulog sa hapon (optional), kain, tunganga, tapos puyat sa madaling araw. Mag-iisang buwan na ngang ganito e. Gusto ko na talagang mag-apply ng trabaho, kesa namang tambay lang ako lagi sa bahay. Para akong nakakulong. Kapag walang pera, hindi rin makakalabas ng bahay. Mag-aapat na buwan na nang ganito e.

Alam mo yun? Makakagawa naman ako ng makabuluhang mga bagay basta meron lang pera e. Yeah. PERA. Andami kong mga naiisip na gawin, pera lang ang kulang. Gusto kong magkaroon ng bike, kumain nang maraming marami para tumaba na ako, etcetera etcetera. Sa totoo nga lang e may naipon nga ako nung nagtrabaho ako dati bilang salesboy (o bantay ng pwesto, basta ganun). Halos isang taon ko ring napag-ipunan yun, pang-college ko. Kaso hawak hawak ni Mama yung inipon ko, para hindi ko daw magastos. Sabagay din naman. Kaya ayun. Wala na akong pera. Wag na nga lang pag-usapan...





Eto automatic na. Kapag dumating na yung point na malungkot na, susunod na nyan yung pag-iisip ko sa kanya. Yep. Si Lavander-siamese. Mga 3 years na rin siyang nakatambay sa isip ko. Ewan ko ba, matagal na kasi kaming di nagkikita nang personal (although in-connection pa din naman kami on line at text minsan). Kahit may connection, lagi pa ring kulang yung pakiramdam ko kalaunan. Basta lagi kasing automatic yun, kapag dumadaring yung time na bloated at burnout na ako sa magdamag, naiisip ko na siya. Si Lavander-siamese na walang pakialam sa 'kin. Ni hindi ko nga alam kung ganito rin yung pakiramdam niya sa 'kin e. Halos magmistulang stalker na nga ako sa kakahanap ng mga updates sa kanya online, pero hanggang dun lang siyempre. Alam mo yun? May mga bagay lang kasi talaga sa buhay na kailangan may inspirasyon ka. Sabagay kasi busy yun ngayon maging reporter. Basta ba, malungkot lang talaga ako sa set-up namin ngayon. Iisipin ko na lang na pagsubok 'to na ginagawa sa 'min ni Lord. Kailangan ko lang maging matatag at magtiwala sa mga plano Niya sa amin. Sana kayanin ko talaga, at kayanin din niya... Ewan, wag na nga lang pag-usapan...

Hirap mag-blog kapag isang oras lang. Badtrip lang. :|
Kakapit lang. Mahigpit.

July 20, 2012

View of the Sunset. House.



Sunset. July 18, 2012. 1/2 from Frame Rivas on Vimeo.


Date: July 18, 2012.
Location: Labas lang ng bahay.
Note: Unedited, although I used bulit-in filters in the camera. Hehe. :o)









Majestic. Very Majestic.

July 19, 2012

Bugso ng Damdamin #2: Araw. Oras. Panahon. Tumatakbo.



Ayun. Tila nakakalumbay lang ang mga nakaraang araw. Ewan ba. Parang ang bilis bilis lang ng panahon ngayon. Parang kahapon lang e tuwang tuwa pa akong nanonood ng Bubble Gang. Tapos mamalayan ko na lang Thursday na pala at Friday na ulit kinabukasan. Ganito yata ang hirap kapag naka-routine lahat ng gagawin mo lagi -- na sa sobrang pagkakapareho at paulit-ulit ng mga ginagawa mo sa araw-araw, nagra-rumble na sa isip mo yung pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Yung something na ginawa mo weeks ago bigla na lang sisingit sa mga ginawa mo kahapon lang and vice versa. Tapos maguguluhan ka na sa pagre-recall at mag-hang na utak mo. Kaya madalas kong remedyo? Wag na lang mag-isip, tapos itutulog na lang.

Sadyang mapaglaro lang talaga ang oras. Kung kelan naghihintay ka saka tila bumabagal ang oras. Tapos kung kelan nag-eenjoy ka saka tila bumibilis ang oras. O nagkakataon lang talaga?

Hindi ko minsan matanggap ang katotohanang tuloy-tuloy lang talaga sa pagtakbo ang oras. Na hindi ka pupwedeng tumambay sa nakaraan habangbuhay. Sabi nga: 'Past is a nice place to visit, but not a goodplace to stay'. Parang sobrang fast forward lang kasi ng mga nangyayari lately, sambot mo lahat ng thoughts of life. Siguro dati kasi hindi pa ganito ka-broad ng isip natin para isipin ang 'lahat' ng bagay, kaya nasha-shock tayo lately.

Pero siyempre, 'Life must go on.' Hindi ba't mas nakakacurious at nakakaexcite ding isipin kung anong sorpresa ang hatid ng bukas? Bukod sa magma-mature tayo physically and mentally, we can also be emotionally intelligent kung pagbubutihin lang natin? Don't lose hope!

Pero still at the end of the day, mapapa-ewan ka pa rin e. Hay buhay.