September 12, 2012

Nasaan na Kaya si Ara Joyce?

Nakilala ko si Ara Joyce two years ago sa pinasukan kong college (na hindi ko itinagal) two years ago na din. Sa gate ng school nun una kaming nagkita. Ni hindi ko nga alam kung naalala kaya ako nun? Baka nga dalawang araw palang pagkatapos nung pangyayaring yun, hindi na niya naalala yun. Yung araw na una kaming nagkita.. (naks!)

Actually nagawan ko siya ng blogpost sa luma kong blog site na Kalamayin ang Iyong Sarili (Poorman's View) lampas two years ago na. Ewan ba, nakakaantig lang kasi. Nakakapangmuni-muni ng buhay. I-post ko na nga lang din para maintindihan nyo baga:


Pinangiti Ako ni Ara Joyce. :) 
09012010
Tapos na yung klase nun. Pauwi nako. Tinatamad na kasi akong libutin yung campus. Tsaka parang uulan na. Tapos ayun na nga, nakalabas nako ng gate. Nakasanayan ko na noon na maglalakad-lakad muna ako palayo sa school bago sumakay para dirediretso yung byahe. Kaso may pumigil sakin..
Nakita ko muna nun yung bag niyang nakasalansan. Nagtaka ako, akala ko nung una e baka laruan lang ng mga palaboy-laboy dun. Nung lumingon ako, may nakita akong batang naka-uniform. Babae. Elementary. Nakaupo siya sa bangkito. Nagtaka ako kung bakit may bata dito. Nakita ko uli yung bag. Tapos lumingon uli ako sa bata.

Ako: bag mo? (tinuro ko yung bag)
Bata: (marahang tango)
Ako: e bakit nandito? (kinuha ko yung bag) dapat dito mo yan nilalagay (tinabi ko sa bangkito)
(katahimikan)
Sa isip ko, nahihiya pa ako nung kausapin yung bata. Nasa tabi kasi siya ng gate. Ang daming lumalabas na estudyante. Tapos may mga manong pa dun. Baka pag-isipan ako ng kung ano. Kaso di ko mapigilan. Tumiyempo ako..
Ako: bakit ka nandito? sinong kasama mo?
Bata: (bahagyang tumuro sa loob ng gate)
Habang naghahanap ako ng tiyempo, tinitingnan ko yung bata. Ewan ko lang pero pag nakita mo siya, mahahalata mo talagang kagagaling lang ng school, haggard baga. Pero nakakatuwa siya. Tahimik lang siya, habang binabali-bali yung hawak niyang headband..
Ako: ano'ng grade mo na ba?
Bata: (mahina) grade 1 po.
(katahimikan ulit)
Ako: marunong ka na bang magbilang? magsulat?
Bata: (mahina pa rin) opo
Ako: ahh. (ngiti) mag-aral kang mabuti ha?
Bata: (mahina, as usual) opo.
Ako: para maging katulad ka namin. (ngiti uli)
Bata: (walang reaksyon pero nakatingin sa akin)

Napangiti uli ako, kahit wala siyang sinabi. Di ko alam pero parang ginanahan pa akong kausapin yung bata. Hindi ko nun na-gets kung sino nga ba yung kasama niya talaga. Nakakapagtataka kasi. Tinanong ko ulit..

Ako: (lumapit ako sa mukha niya para marinig ako) sino nga ba ulit yung kasama mo dito?
Bata: (wala siyang sinabi, pero tinuro niya yung manong sa di kalayuan)

Naintindihan ko na nun. Siguro tatay niya yata yung manong na nagba-barker sa mga pumaparadang jeep sa tapat ng campus. May katandaan na siya, at batay sa edad nun, tingin ko e bunso niya 'tong kausap ko..
Wala na ako nung maisip na itanong sa bata. Kaya nilabas ko na lang muna yung jacket ko sa bag. Lumalamig na kasi nun. Habang sinusuot ko yun, tinitingnan ko siya. Hindi ko siya nakitang ngumiti nun, siguro dala na rin ng pagod. Nakatingin lang siya sa kalsada, pati sa mga jeep, pati sa mga estudyante. Inosente pa yata ang pag-iisip niya. Grade 1 pa e. Napansin ko rin yung binabali-bali niyang headband. Nag-alala ako baka maputol. Hehe. Suot ko na yung jacket..
Ako: (aktong uupo) ui patabi ha?
Bata: (bahagyang tumabi)
Ako: kagagaling mo lang sa school mo?
Bata: (tango)
Ako: yung elementary dyan?
Bata: (marahang tango)

Naisip ko, kanina ko pa siya kausap. Di ko pa pala alam yung pangalan niya..

Ako: ano nga palang pangalan mo?
Bata: (mahinang mahina) ana joy p-po..
Ako: (lumapit ako sa kanya) ano ulit?
Bata: ara joyce po..
Ako: (ngiti)

Ie-emphasize ko pa sana sa kanya yung 'mag-aral kang mabuti ha?'. Kaso baka makita ako nung tatay. Tsaka parang aambon na yata nun..

Ako: mukhang uulan na a.
Bata: (walang reaksyon)

At yun na nga. Unti-unti nang umaambon. Kasabay nun e yung paglapit ng tatay niya. Pinapasilong na siya sa loob ng campus. Binuhat na rin niya yung bangkito papasok. Natuwa ako nung pinasuot nung tatay sa anak niya yung suot niyang cap.
Ako naman e wala nang nagawa. Uulan na. Umalis nako. Sumakay nako ng jeep..

Minsan out of nowhere na lang bigla siyang pumapasok sa isip ko. Nung binasa ko ulit yung blogpost kong yun two years ago, parang hindi ako makapaniwalang ako yung nagsulat nun. Tsaka nasaan na rin kaya si Ara Joyce ngayon? Siyempre kahit papano pinaantig niya yung damdamin ko. Tsaka dahil sa kanya, napatunayan ko sa sarili ko na lahat pala tayo may kakayahang tumulong sa kapwa kahit sa pinakasimpleng paraan. Na lahat tayo may karapatang maging mabait kahit pa tingin natin sa sarili e masama tayong tao. Basta ba, nakaka-touch lang yung moment na yun (naks!).

Minsan naitatanong ko rin: Nasaan na kaya siya? Kung tatantsahin, nasa Grade III na siya ngayon. Nandun pa rin kaya siya nakatambay sa school gate ng school kasama ang tatay niya pagkatapos sa eskwela? Barker pa rin ba kaya tatay niya dun? Sana nag-aaral pa rin siya. Tsaka sana maayos ang kalagayan ng pamilya niya. Nakakapanghinayang yung mga batang hindi dahil sa hindi nila gusto, kundi dahil sa kalagayan nila. Basta, nakakalungkot lang. Sana ok lang silang lahat.

September 10, 2012

Today on Doodles.

Natutuwa talaga ako sa lettering ng mga strips sa Kikomachine Komix, especially yung mga exclamation parts. Ang ganda ganda talaga ng pagkaka-lettering. Kung nagkataon lang na font yung mga letterings ni Sir Manix, hahagilapin ko talaga yun at walang patumpik-tumpik akong magda-download nun kahit may bayad pa (naks). Sinubukan ko ngang gayahin yung pagkaka-lettering nun e. Eto nga:

Click image to enlarge.


Nakita kong expression sa Kikomachine Komix. Ganyan na ganyan nga din yung
pagkaka-lay out niya e, hehe. Napipisil kong gawing t-shirt. *u*

Yung nasa previous post ko tungkol dito. Version 2 baga nun, hehe.



* * * * * * * * * *
 
Nung bandang July pala e nag-consturct din ako ng doodle something sa likod ng journal ko. Wala lang, parang palipas-oras lang habang nagre-recall ng mga events. Eto rin sana yung gagawin kong title photo ng blog ko, kaso mali yung pagkaka-lay out ng title. Masyadong naka-slant. Hindi mo maarok i-adjust kung pa-portrait ba o pa-landscape kasi naka-slant ng 45 degree yung magiging title. Sayang naman kung ika-crop mo yung pic dahil sayang yung ibang details na hindi masasama (pinag-isipang mabuti ko pa naman lahat ng nilagay ko diyan). Kaya ayun. Eto siya:


 Naisip ko lang isama dun sa 'blog title sana' (lahat nga kasi ng nandun, may mga meaning).
Symbolization ng BESTMANS (mga bestfriends ko: pito kami talaga, pero anim pa lang nung ginagawa ko 'to)

September 9, 2012

Kikomachine Komix #1.

Kikomachine Komix #1.
Intro: Pagkatapos kong mahiram yung Kikomachine Komix Blg. 8 sa friend kong si Justin almost a month ago, nakahiram ulit ako sa kanya last week ng panibagong Kikomachine Komix. Ang pagkakaintindi ko, discounted na yung nabili niyang issue na 'to (Php 99). Parang may Big Sale daw sa National Book Store nung binili niya yun. Tsaka nag-iisa na lang din daw yung issue na yan sa NBS sa SM DasmariƱas.

Actually eto yung pinakaunang Kikomachine Komix Collection from cartoonist Manix Abrera. First published last June 2005, composed of comic strips from 2001 up to 2004 (strips were first appeared on Philippine Daily Inquirer).

Napansin ko sa first pages ng comic book, iba pa yung pagkaka-drawing ng mga characters (Figure 1, dated 2001-2002). Tagal na 'no? Pero yung mga succeeding pages e katulad na nung nakita ko sa Blg. 8. Siguro yun pa yung mga panahong sinisimulan pa lang niya yung series. Nakakatuwa talaga kung pa'no naka-sync yung lettering at dialogue ng bawat strips sa nais ipakita ng bawat strip. Mage-gets mo agad. Basta, matatawa ka talaga sa kakornihan ng comic book na 'to! Asteeg! RAKenROL! :D





Figure 1.







September 3, 2012

Haiku Sessions #1.

Naalala ko tuloy yung lesson sa English namin sa Grade 5. Nag-originate yung haiku sa Japan, usually eto yung way nila to express their emotion usually about sa nature. Para din siyang tula, pero mas challenging ang paggawa nito dahil may sinusunod itong sukat: three lines, 5 syllables sa first line, 7 naman sa pangalawa at 5 naman sa huli.

Sample:
Araw at gabi.
Wala kaming makain.
The Untouchables.

Napag-isipan ko tuloy na gumawa at mag-post ng mga saloobin (pansarili man o current events) in haiku form. Siguro kahit mga 3 or more haikus every week o kapag may spare time. Hehe. So let's start beybeh!



LOVE GOLDEN RULE
Hirap n'yan, pare.
Love mo 'ex' ng tropa mo.
Dapat pumili. 


SA INAAPLAYANG TRABAHO
Layo ng Imus.
Paikot-ikot ka dun.
Ka-lechehan lang.


KAY SING-A-LONG GIRLIE SA MALL
Kaka-insecure.
Kumanta lang, sikat na.
Puro birit lang.
Ewan ko ba sa bahay, insecure sa kanya mga tao sa amin, hehe.


PARA KAY CRUSH
Ewan ko nga ba.
Bati mo pa lang, solve na.
Cartwheel sa puso.


SA CONGRESSMAN RUFUS
Grabe ka Kuya.
Umeksena ng bulyaw.
Porke 'di pabor.
Di mo alam kung galit talaga o dumada moves lang para ma-delay yung hearing, hehehe.



TUMABA
Pinapangarap.
Maging JP Soriano.
Sa balang-araw.


Kahit ano ano na lang 'no? Pero ok na din yung ganitong medium to express.

September 2, 2012

Ramon Bautista's Tales From The Friend Zone - Episode 5.


Episode #5: Akala ko may something, yun pala wala :'((

Puppy love rules.

Premiered last September 1, 2012. Designed and Manufactured by Ramon Bautista and RA Rivera. The story of Mark J. Cariaga and Luningning.


Wastong edad sa pakikipag-relasyon. "Kapag Nineteen. Kapag NINETEEN-dihan nyo na ang mga bagay-bagay. Mag-concentrate muna kayo sa school. Kasi yung pag-ibig, medyo sinisira niyan ang rational thinking ng isip nyo. Siyempre nagiging tanga ka sa love niyan. Mapapariwara ka, hindi ka makaka-graduate, hindi papasa sa exam at generally, baka maging taong-grasa ka."

Ang pakikipag-relasyon ay parang bagyo. "Ang limit nyo sa pag-ibig ay proportional sa storm signal kung saan pwede kayong pumasok. Kapag signal #1 -- yung mga grade school, elementary -- happy crush lang muna. Kapag signal #2 -- mga high school -- hanggang prom date lang. Kapag pinapapasok na ng signal #3, handa na kayong umibig nang totoo. Kasi handa na kayo sa wasakan. Kahit mag-end of the world: sige, umibig ka nang umibig. "

There is more to life than love.
Submit your love problems to formspring.me/ramonbautista.
Like on Facebook: http://www.facebook.com/RamonBautistasTFTFZ.